3rd day ko nang absent sa work ngayon. That means 30 hours na yung less ko sa payday. I computed it kanina and gosh, anlaking kabawasan! Dalawang CD na ni Arron yung mabibili ko dun... Buti nalang sa second payday of the month ko pa sya mararamdaman....
Grabe! I did wish naman na magkasakit ako, pero hindi yung ganito, nasa bahay lang.. Gusto pala maconfine ano? Never pa kasi ako naconfine in my whole life. Ewan ko ba bakit naging pangarap ko yun? Baliw na siguro ako? Haha! Kasi naman eh, yung sakit ko parang nagdadahilan lang na ayaw pala pumasok...
Dahil sa lagnat na yan andami kong di nagawa! Di ako nakapagonline kahapon maghapon! Namiss ko tumblr and weibo ko. Tapos katext ko pa si meimei kagabi, natukso tuloy ako magonline. Buti nalang kaya na ng katawan ko ngayon. Nabawasan na yung nakapilang updates na kelangan ipost.. Buti nalang nadownload ko yung new song ni Arron nung Monday, malinis pa yung version na nadownload ko. Yung ibang version kasi may OS nung DJ, eh yung nadownload ko OS lang ni Arron. Sabi nya gusto nya yung song na yun nung PINK kaya sumulat sya ng Chinese lyrics. Sya pala sumulat nun... In fairness, brokenhearted yung lyricist... Itatranslate ko pa dapat yun pero naunahan ako ni blackangel sa AF, okay lang, di na ako nahirapan.
Haaaayyy sana di na ko lagnatin maghapon para makagora na ko bukas. Kelangan ko na magbayad ng pre order koh!!!!!!
0 comments
Spam messages/advertisements will be automatically deleted.