Where do broken hearts go?

By xiaokhat - March 01, 2015

Bakit nga ba ang sarap mag travel pag broken hearted?


Dahil sa break up na yan, tinigdas ako ng dalawang linggo. Isang cut off akong di nakapasok, buti nalang may sinahod pa ako. Dalawang linggo akong nakakulong sa kwarto ko, walang ginagawa. Wala, bawal ako lumabas ng kwarto, baka makahawa. Buti nalang may translation project ako nung mga panahon na yun, di ko masyado inisip yung ex ko.

Dahil din sa tigdas na yan, kala ko di na matutuloy yung trip namin sa Palawan. Kasama dapat sya dun eh, buti nalang di na sya sumama. Kapal din ng apog nya kung sumama pa sya no?! Syempre malungkot. Kasi isang taon kong inanticipate na magkasama kami sa trip na yun. Tapos few weeks bago yung trip, makikipagbreak sya sayo. Tsk tsk.

Grabe yun no? Hindi ka naman tumakbo, pero ang hirap hirap huminga. Wala namang masakit sa kahit anong parte ng katawan mo, pero di matapos tapos ang agos ng tubig sa mga mata mo. Yung tipong pagod na pagod ka na umiyak pero yung mata mo sige parin! Unlimited ata ang supply.

Pano nga ba mawala yung sakit?

Sabi sa isang facebook post na nabasa ko, di naman daw talaga nawawala yung sakit as time goes on. Sadyang nasasanay lang yung puso natin dun sa sakit na yun hanggang sa maging manhid na sya.

Pero hindi naman porket namanhid ang puso dun sa pakiramdam na yun eh hindi ibig sabihin wala na syang ibang pwedeng maramdaman. Someday, somehow, sa hindi mo inaasahan, time will come na may magbibigay sayo nung pagmamahal na hindi mo nakuha sa unang taong pinagbigyan mo nito.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Spam messages/advertisements will be automatically deleted.