Goodbye

By xiaokhat - November 28, 2012

May 22 to November 27 ... 6 months and 5 days

Kakablog ko palang about this phone last Sunday, iniwan na nya agad ako.


I was on my way to work yesterday when I lost the most expensive thing I bought in my life. It was around 8:15 AM, in the jeepney driving along Alabang-Zapote road near MIT.

So my 'twas like this: around 11 PM, (Monday night) I set my alarm at 5:15 AM since Tuesday shift starts at 8 AM. I changed my alarm tone from the SE default to Arron's "The Truth That You Leave". The next morning, nag-alarm sya. Nagising ako 5:28 then snoozed my alarm. Tapos, nakatulog pala ulit ako. Next gising ko was around 6:30. I was late for work! I bathe and get dressed for 30 minutes, then sinundo ako ni JJ. Sa Pavilion kami nag-antay ng jeep since traffic dun sa La Consolacion because it's already 7 AM. Eh 7:20 na wala pang empty jeep na dumadating! So I told JJ na bumalik kami sa Napocor since I'm running late. Ayun, 7:45 AM umalis yung Jeep sa Napocor. Nakatulog pa ko sa byahe sa expressway... Di na ko nag soundtrip kasi red na yung bat ko. I texted TL nung nasa may Festival na ako, saying that I won't make it on time.

Pagdating ng Alabang, walang jeep pa-Zapote! Passengers were waiting in the middle of the road, tapos unahan at habulan at tulakan ang eksena sa pagsakay sa jeep. Luckily, magaling ako sa ganun... Isa ako sa mga nauna makasakay sa jeep so I was seated near the "exit". Tapos, puno na sya. A guy, about average in height, with a dark skin, and medyo semikalbo hair wearing a black shirt and has a big backpack seated on my left side. Actually pinilit nya makaupo, which is 'normal' in times like that. Rush hour, tapos walang jeep, yung iba nga nakasabit. Tapos may badjao na bata pa sa harap ko. Tapos syempre, siksikan, normal na sa jeep yung mga annoying passengers na 1/5 ng bag nila ay nakapatong sayo. Minsan yung siko nakapatong na sa arm mo, na nakakainis pero nakakahiya namang magmaldita dahil baka ma-amalayer ka. Ayun. Nagtext si JJ nung nasa may North Gate na ako, and from time to time, binabalik ko yung phone sa bag ko. Last time I held my phone was when nasa may ATC na ako. Tapos, nung nasa may Molito na, I felt my phone vibrate. Pero di ko kinuha, kasi iba pakiramdam ko sa katabi ko. Pagdating sa may MIT, may bumaba. Kukunin ko sana yung phone ko, yung action na bubuksan ko yung zipper nung bag ko, sabay sabi ng "PARA!" nung katabi ko. Galit pa! Tapos, ayun, my bag was open. Yung case nung eyeglasses ko ay nasa may lap ko na, and wala na yung phone ko.

Pagbaba nung guy, may nagsabi sa jeep, I don't know kung yung driver or other passengers, magnanakaw daw yun. Yung mga nasa harap ko, sabi "Kaya di mapakali ng upo eh". Tapos yung iba nagtanong kung may nakuha. Sagot ko lang, "Yung phone ko..." while smiling...

First reaction: speechless. Parang feeling ko namutla ako nun. Parang biglang gumaan yung ulo ko na nahihilo ganun. I actually had a chance to chase the guy pagbaba nya kasi di agad umandar yung jeep since traffic. Kaso my mind was blank at that time. Yung feeling na pag open ko nung bag ko, wala yung phone ko.. Ganun pala yun. I still can't forget that scene. Unang pumasok sa isip ko is block my phone. Buti nalang yung pre-installed antivirus ko, may track, locate, and lock features. Kaso pagdating sa office, all I did was to cry. Yung iyak na parang bata.... Nakakahiya... Kasi naman! One year kong pinagipunan yung phone ko. I bought it CASH! Tapos yung pa yung most expensive na binili ko sa buong buhay ko. Plus that phone is so perfect for me. Lahat ng needs and wants ko nasa phone na yun. Buti nalang andun si sir Drew, si JJ unang tinawagan ko. Kaya lang di ako pwede umiyak ng todo todo kasi may MOL class ako. So I had the class ng haggard na haggard ang itsura ko. Pawisan (since I ran from Toyota to the office), oily face, namamaga eyes... Ewwness.. Di ko pa pinapanood yung recording today. Nadidiri ako sa ichura ko. After class, iyak nalang nagawa ko, naalala ko kasi andun yung bank details nung sa speedlight na binili namin ni JJ...

Buti nalang supportive boyfriend ko. Lahat ng nakausap ko, colleagues, si Jj, my mom, they all told me to be thankful na di na ako tinutukan nung snatcher. Mas traumatic daw pag tinutukan. Pero kasi, I could have done something para hindi nakuha phone ko. Dapat inikot ko na yung bag ko nung pinatong nung guy yung bag nya sa bag ko like I usually do. Yung zipper kasi nasa side nya, so parang binigyan ko sya ng chance na kunin yung phone ko. O kaya sana di ko nalang nilagay sa bag ko yung phone since may katext naman ako. O kaya since naramadaman ko na yung phone ko nagvibrate, sana kinuha ko na sya. Andami talagang mali kahapon.

But I really never imagined na yun na yung last day na mahahawakan ko phone ko. Sayang yung mga text ni JJ na nakasave dun, lalo na sa SIM! Although may SMS back up naman ako online, iba parin pag binabasa mo sa phone. Sana yung wallet ko nalang kinuha nya. Nasa ibabaw lang naman yung wallet ko. 2500+ ata dala ko kahapon, sana yun nalang kinuha nya.

Ngayon ang problema ko is kung bibili pa ko ng new phone. My colleague told me na bumili ako ng mas mahal. Syempre ayoko! Mas nakakaiyak pag yun ang next na nawala. I'm still in love with my Xperia Pro pero parang ang weird kung yun ulit yung bibilhin ko. Eh kasi, kahit maganda pa yung ibang phones, wala naman dun yung mga gusto ko. Feeling ko naman lugi ako sa Mini Pro kasi anliit tapos 5MP lang yung cam. As for now, balik ako sa C3. Buti pala di ko sya binenta.

UPDATE: Wala nang Xperia Pro sa Kimstore. Mas mura ng 1000 sa kanila kesa sa Widget City.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Spam messages/advertisements will be automatically deleted.