I wrote this piece supposedly for last month's spoken word poetry event in the office but I did not submit it because I don't think this is up to standard. Plus the person whom this piece is written for isn't in the office anyway, so there's no use for me to recite this.
*sigh*
Pagod na ako
Pagod na ko mag-isip.
Pagod na ko manghula.
Pagod na ako isipin kung ano ba talaga ako sa'yo.
Hindi na naman tayo mga musmos nung unang magkakilala tayo
Maniniwala ka ba,
Nagustuhan kita nung una kitang makita.
Syempre, bagong mukha, bagong kakilala
Napaka misteryoso ng dating mo
Hindi kita kayang kausapin sa sobrang kabang sa dibdib ko
Hinabol kita, di mo ako nilingon.
Lumipas ang panahon, nabaling ako sa iba
Kung kailan may iba nang laman ang puso ko,
Kung kailan hanggang kaibigan nalang ang kaya kong ibigay sayo
Tsaka mo sinabing mahal mo ako.
Lumipas ulit yung panahon.
Maraming nagbago.
Ako, ikaw
Tayong dalawa
Nung mga panahon na durog at wasak ako
Nandun ka
Tahimik na naghihintay.
Sinadya kong iwasan ka.
Ayoko kasing sabihin mo na rebound ka lang.
Gusto kong kaya ko nang ibigay sa iyo ng buo ang puso ko
Kapag sinabi ko sayo na mahal kita.
Pero bakit biglang nagbago?
Sinabi ko sayo, mahal na din kita.
Bakit di ka sumagot?
Bakit wala kang sinagot?
Napagod ka ba sa paghihintay?
Masyado bang mahaba yung panahon na pinalipas ko?
Siguro nga kasalanan ko kung bakit tayo nagkaganito.
Kung ikaw kaya yung pinili ko noon,
Ano kaya tayo ngayon?
Pero tanggap ko na
Kahit papano, tinanggap ko na rin
Tinanggap ko na na kahit kelan, hindi magiging tayo.
0 comments
Spam messages/advertisements will be automatically deleted.