My thoughts on Kita Kita

By xiaokhat - July 26, 2017



Minsan lang ako manood ng tagalog movie, but when I do, madals eto yung mga sabi nila kakaiba, yung mga tipong pagsisisihan mo pag di mo pinanood.

Di talaga ako creative magsulat. Gustuhin ko mang daanin sa isa, dalawa, tatlo, di ko talaga kaya. Parang pinipiga yung utak ko kakaisip. Share ko nalang thoughts ko sa pelikula.

  • Wag maging assuming. Isa yan sa mga natutunan ko sa pelikula. Madalas kabaliktaran ang outcome.
  • Ahas talaga ang mga bes na yan. 😬
  • Kahit gaano ka kawasak nung iniwan ka nya, dadating at dadating ka pala sa punto na matatauhan ka. Mabaho ka na pala. Di dun nagtatapos ang lahat. Umikot man ang mundo mo sa kanya, saglit na panahon lang yun, babalik din sa dati ang ikot ng mundo mo.
  • Sa bituka talaga ang daan para mapaibig mo ang isang tao. Hindi lumpiang hubad agad agad! Pwede mo daanin sa repolyo, o kaya sa adobo, kaldereta, pansit, sinigang. Mag ramen pag magkasama na kayo. 
  • Iba din ang ninja moves ni Tonio! Lakas maka pogi!
  • Wag magpapadala sa mga sweet talker. Di lang nya sayo sinabi yan.
  • Madalas, narerealize mo lang na mahal mo pala sya kapag wala na sya, kapag huli na ang lahat. Kaya kung sa tingin mo mahal mo na sya, sabihin mo na. 
  • Di ako nagsisi kay Empoy. Kapag talaga comedy ang pag-uusapan, perfect si Empoy. Kahit wala syang gawin, nakakatawa na. Yung muka palang nya, punchline na.
  • Ang ganda sa Japan! Sana yung Pilipinas maging ganun. Bike friendly! 🚲
  • Eto talaga yung sinasabi ng arts teacher namin nung high school. Pag panget ang script, sikat ang mga kinukuhang artista. Pag maganda at exceptional ang script, yung mga panget o kaya baguhan ang gumaganap. Kaya nung nalaman kong si Empoy ang bida, sabi ko panonoorin ko to!

Ito na ang break ni Empoy! Sana makita pa kita sa marami pang pelikula. Yung ikaw ang bida, hindi horror, kundi another love story, bilang leading mad.

Kay Alessandra, madalas bitchesa ka sa mga role mo. Pwede ka pala sa mga sunshine-y characters. Sana mapadalas pagganap mo sa mga ganyang role.

On a serious note, kudos to the whole Kita Kita team. You've made a movie so different from the mainstream. Sana lahat ng Tagalog movies maging ganito. 

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Spam messages/advertisements will be automatically deleted.